Ano at Paano ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)?

Blogs | By acg_admin | April 05, 2020


Ano ang ibig sabihin ng CAMP?
Sagot: Ang ibig sabihin nito ay COVID-19 Adjustment Measures Program

Saan pwede mag-email para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)?
Sagot: Sa email po na eto maaring mag-email – camp.dolero3@gmail.com

Saan pwede magmessage para sa queries and clarification tungkol sa CAMP?
Sagot: Sa email po na eto maaring mag-email- campqueries.dolero3@gmail.com
o mag message sa fb.com/dole.centralluzon

Ang probationary at new hires ba ay entitled sa CAMP?
Sagot: OO. Covered ang mga manggagawang nasa pribadong sector mapa-permanent, probationary, o contractual.

Kung hindi ko po nauubos ang aking leave credits, maaari pa rin ba akong mag-avail ng CAMP?
Sagot: OO. Entitled ka pa din sa CAMP dahil sa inyong income reduction.

Kapag nakatanggap na ako ng advanced 13th month pay, entitled pa ba ako sa CAMP?
Sagot: OO. Ang pagbibigay ng advanced 13th month pay ng kumpanya sa panahon ng Enhanced Community Quarantine ay hindi kapalit ng nawalang income.

Kapag tumatanggap pa rin ng buond sahod at naka-work from home na empleyado, entitled pa din ba sila sa CAMP?
Sagot: Hindi. Ang entitled sa CAMP ay ang mga empleyadong may income reduction or loss.

Kapag walang payroll na maibibigay ang kumpanya, maari bang payslip ang i-submit kasama ng accomplished Established Report Form?
Sagot: OO. Maaaring pay slip ang i-submit kung walang payroll.

May limit ba ang maaaring mag-apply sa CAMP sa bawat kumpanya?
Sagot: WALA. Ang lahat ng eligible workers sa kumpanya ay maaaring iapply ng employer.

Paano kung ayaw mag-apply ng employer sa DOLE CAMP?
Sagot: Maaaring ibigay ang detalye ng kumpanya sa DOLE para ita macontact ng mga Regional/Field/Provincial Offices at mahikayat na magsubmit ng application.

Saan dederecho ang tulong pinansyal, sa bank account ba ng empleyado o sa employer?
Sagot: Ito ay dederecho sa account ng manggagawang nai-apply sa CAMP.

Ang mga large establishments ba ay hindi covered ng CAMP?
Sagot: Covered pa din ang mga apektadong manggagawa sa large establishments ngunit mas priority ang mga nasa MSMEs.

Paano at saan mag-aapply ang kumpanya kung ito ay mga branch offices?
Sagot: Maaaring i-apply ng branch office ang lahat ng apektadong manggagawa na nasa payroll nito sa kinauukulang DOLE Regional/Field/Provincial Office na nakakasakop dito.

Covered ba ang Jobstart beneficiaries na nawalan ng income dahil sa temporary closure ng employers?
Sagot: OO. Covered ang mga Jobstart beneficiaries na nasa intership phase na dahil sa kanilang income reduction at kasama sila sa company payroll.

Ano ang kailangan I-submit sa DOLE?
Sagot: Establishment report on the COVID-19 at company payroll

Paano ipapadala ang mga requirements?
Sagot: Online submission po eto. Ipadala lamang sa camp.dolero3@gmail.com
para sa Central Luzon.

Saan po ipapadala ang tulong para sa programang CAMP?
Sagot: Bank Transfer or Money Remittance po ang paraan ng pagpapadala ng tulong pinansyal sa mga aprubadong beneficiaries.

Kailan po magiging effective kung kailan maaaring tumanggap ang DOLE RO/POs ng mga aplikasyon?
Sagot: March 21, 2020 po.

Source: https://www.facebook.com/laborandemployment

Be the first to write a comment.

Your feedback