Ano at paano kumita sa Tupad Barangay Ko, Bahay KA o (#BKBK) Disinfection/Sanitation Project?

Blogs | By acg_admin | March 31, 2020


Ano ang Tupad #BKBK (Barangay Ko, Bahay Ko) ?
Sagot: Ito ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawang nasa imporal sektor na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pag-papatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19

Sino ang kwalipikadong benepisyaryo (KB)?
Sagot:
(1) Underemployed
(2) Self-employed na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pagpapatupad ng Enhanced Community laban sa COVID-19
(3) Mga nawalan o naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pag-papatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19

Sino ang HINDI kwalipikadong Benepisyaryo (KB)?
sagot:
(1) Ang mga nakapag-avail ng P5,000 cash assistance mula sa DOLE CAMP
(2) Ang mga nakatanggap ng cash assistance mula sa AICS*NG DSWD
(3) Mga magsasakang nakatanggap ng cash assistance mula sa DA
(4) Benepisyaryo na makatanggap ng P8,000 ng kabuuhang P8,000 pataas mula sa pinagsamang assistance ng LGU** at DOLE
(5) Empleyado ng gobyerno o opisyal ng lokal ng pamahalaan

Ano ang mga requirements na dapat ibigay ng LGU sa DOLE?
Sagot:
(1) Letter of Intent
(2) TUPAD Work Program (Enhanced OSEC-FMS Form No.3, Annex B)
(3) Summary of List of Benficiaries (Enhanced OSEC-FMS Form No.4, Annex A)

Ano ang pangunahing gawain o trabaho ng KB?
Sagot: Sila ay magdi-disfect at mag-lilinis ng kani-kanilang mga tahanan at kapaligiran.

Ilang araw ang pagtatrabaho?
Sagot: Silay ay magta-trabaho kahit apat (4) na oras lamang sa isang (1) araw sa loob ng sampung (10) araw.

Ano naman ang kanilang matatanggap mula sa DOLE?
Sagot: Sila ay pasasahuran depende sa daily minimum wage ng isang rehiyon o lugar kada araw.

Bukod sa sahod, ano ang maaaring ibigay sa kanila?
(1) Flyer or brochure tungkol sa Kaligtasan at Kalusugan sa Paggawa
(2) Cleaning solution

Source: https://www.facebook.com/laborandemployment/

Be the first to write a comment.

Your feedback