Sino ang tatanggap ng mga tinukoy na mga programa sa Social Amelioration galing sa DSWD?

Blogs | By acg_admin | April 05, 2020


Ang mga pamilyang makatanggap ng social amelioration programs ay silang kabilang sa mahihirap o impormal na sektor na nawalan ng pagkakakitaan sa panahon ng pinaigting na community quarantine, na may kahit isang (1) miyembro na kabilang sa alinman sa sumusunod na bulnerable o disadvantage na sektor:

(1) Mga Senior Citizen

(2) Mga May Kapansanan

(3) Mga buntis at nagpapasuso

(4) Mga solong magulang

(5) Overseas Filipinos (OFs) in Distress

(6) Mga Maralitang Katutubo

(7) Mga kapuspalad at mga mamayang walang tirahan

(8) Mga Impormal na Mangagawa – Direktang inuupahan o Okasyonal na Manggagawa, mga Subcontracted na Manggagawa

(9) Manggagawa sa tahanan

(10) Mga kasambahay

(11) Mga drayber ng pedicab, traysikel, PUJs, UVs, PUBs, taxi, Transport Network Vehicle Service (TNVS) at Transport Network Companies (TNC)

(12) Micro-entrepreneus at producers

(13) Mga may-ari ng mga tindahang sari-sari at mga katulad

(14) MGA may-ari ng negosyo ng pamilya

(15) Sub-minimum wage earners

(16) Mga Magsasaka, Mangingisda, at mga Manggagawang Bukid

(17) Mga empleyadong apektado ng patakarang “No work, no pay” na hindi sakop ng alinmang issuance ng DOLE tungkol sa adjustment measures program o Kautusan Blg. 209, Serye ng 2020

Source: DSWD

Be the first to write a comment.

Your feedback